^

PM Sports

Buwenamanong panalo para sa Lady Archers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinimulan ng Lady Archers ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pamamagitan ng panalo.

Kumamada ang De La Salle University sa third quarter para talunin ang University of Santo Tomas, 56-50, sa pagbubukas ng UAAP Season 77 women’s basketball tournament sa Blue Eagle Gym noong Linggo.

Mula sa isang one-point lead sa halftime ay nagpakawala ang Lady Archers ng 18 points sa kabuuan ng third period kumpara sa 9 markers ng Tigresses para kunin ang 41-33 kalamangan papasok sa fourth quarter.

Kumonekta si Trisha Piatos ng limang three-point shots para tumapos na may game-high 23 points sa pamumuno sa La Salle.

Tumipa naman sina Kim Reyes at Lore Rivera ng pinagsamang 25 points sa panig ng UST.

Sa iba pang laro, giniba ng 2013 runner-up National University ang Adamson University, 62-46, habang tinalo ng Ateneo ang University of the Philippines, 54-42, at dinaig ng Far Eastern University ang University of the East, 52-37.

Naglista si Afril Bernardino ng 18 points at 8 rebounds para banderahan ang Lady Bulldogs sa third period kung saan nila iniwanan ang Lady Falcons, 52-36.

Humakot naman si Danica Jose, nasa kanyang final season para sa Lady Eagles, ng 18 points, 8 rebounds at 2 assist para sa tagumpay ng Katipunan-based cagebelles sa Lady Maroons.

Nagtala si April Siat ng 15 points para sa pa-nanaig ng Lady Tamaraws laban sa Lady Warriors.

 

ADAMSON UNIVERSITY

AFRIL BERNARDINO

APRIL SIAT

BLUE EAGLE GYM

DANICA JOSE

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

KIM REYES

LADY

LADY ARCHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with