UE binigyan ng unang panalo si coach Derrick Pumaren: FEU ginulantang ang La Salle
LARO NGAYON
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. Ateneo vs Adamson
4 p.m. NU vs UST
MANILA, Philippines - Ipinakita ni Mike Tolomia na siya na ang kamador ng FEU nang kakitaan ng kakaibang laro sa second half para gulatin ang nagdedepensang La Salle, 82-77, sa pagsisimula ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Tolomia ng 23 puntos para ibangon ang koponan mula sa mahinang panimula.
Si Mark Belo ay tumapos na may 20 puntos, 13 rito ay ginawa sa first half, habang sina Russel Escoto at Bryan Cruz ay nag-ambag ng 13 at 11 puntos.
Sina Almond Vosotros, Jeron Teng at Jason Perkins ay may 18, 14 at 11 puntos para sa Green Archers.
Unang nagpasiklab ang host UE Red Warriors nang gutay-gutayin ang UP Maroons, 87-59.
Si Dan Alberto ay may 15 puntos para pamunuan ang bench na nagtala ng 49 puntos upang makatikim kaagad ng panalo ang bagong coach ng UE na si Derrick Pumaren. (AT)
UE 87—Alberto 15, Javier 12, Jumao-As 10, De Leon 10, Mammie 8, Arafat 7, Sumang 7, Olayon 4, Guiang 4, Galanza 3, Varilla 3, Hernandez 2, Palma 1, Derige 1, Charcos 0, Cudal 0
UP 59—Lao 18, Moralde 11, Asilum 8, Gingerich 6, Gallarza 5, Dario 4, Harris 3, Vito 2, Reyes 2
Quarterscores: 19-16; 45-26; 66-36; 87-59.
FEU 82 – Tolomia 23, Belo 20, Ru. Escoto 13, Cruz 11, Pogoy 6, Iñigo 3, Jose 3, Hargrove 2, Tamsi 0, Dennison 0, Ri. Escoto 0, Denila 0.
DLSU 77 – Vosotros 18, Teng 14, Perkins 11, T. Torres 9, Van Opstal 7, Montalbo 6, Tratter 2, Sargent 2, Rivero 2, Bolick 0, Andrada 0.
Quarterscores: 10-23; 33-37; 57-59; 82-77.
- Latest