^

PM Sports

Bagong national cycling team binuo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binuwag ni PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino ang national team at bumuo ng isang bagong koponan na kinabibilangan ng mga batang siklista sa pamumuno nina Mark Galedo at Ronald Oranza.

Sinabi ni Tolentino na ang kanyang hangarin ay makakuha ng mga under-23 cyclists na gagabayan ni coach Chris Allison at sasanayin sa iba’t ibang bansa, kabilang dito ang Europe, para maging handa sa mga international competitions kagaya ng Southeast Asian Games at Asian Games.

“I’m disbanding the team and forming this youth-laden squad because we’re looking at the future,” sabi ni Tolentino.

Lalaban sina Galedo, ang Le Tour champion, Southeast Asian Games gold medalist at dating Ronda Pilipinas winner at Oranza sa road race ng Incheon Asiad na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Sina Fil-Ams Daniel at Christopher Caluag ay mga seeded sa BMX division ng nasabing quadrennial event.

Kabilang rin sa bagong national team sina Rustom Lim, George Oco-ner, Ronald Lomotos, Junrey Navarra at Mark Bordeos.

Nagtala ang 23-anyos na si Lomotos, sumegunda sa isa sa mga stages ng Tour de Borneo at ika-40 sa 1.2 Zuid Oost Drenthe Classic sa Europe noong Abril, ng 4:54:55 para pagharian ang 130-kilometer race na nagsimula at nagtapos sa Tagaytay City.

Pumangalawa naman si Bordeus na may agwat na 59 segundo kasunod sina Navarra, isang two-time King of the Mountain winner ng Ronda Pilipinas at second-placed KOM winner sa Tour de Singkarak. Inaasahan ring makakasama sa koponan sina Ryan Boots Cayubit, Johnmark Camingao, Rudy Roque at Dominic Perez.

 

ASIAN GAMES

CHRIS ALLISON

CHRISTOPHER CALUAG

DOMINIC PEREZ

DRENTHE CLASSIC

GEORGE OCO

INCHEON ASIAD

RONDA PILIPINAS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with