^

PM Sports

‘Di na pinatagal pa ng Rain Or Shine

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa mainit na panimula hanggang sa matin-ding arangkada sa third quarter.

Nagposte ang No. 2 Rain or Shine ng malaking 23-point lead sa gitna ng third period patungo sa 111-90 paggupo sa No. 7 Air21 para umusad sa kanilang ikaapat na sunod na semifinals stint sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Defense carried us through in these last half of the conference. It helps a lot. It gave us confidence and helps us get our rhythm,” sabi ni head coach Yeng Guiao.

Lalabanan ng Elasto Painters sa best-of-five semifinals series ang mananalo sa pagitan ng No. 3 Alaska at No. 6 Barangay Ginebra na kasalukuyan pang nag-lalaro habang isinusulat ang balitang ito.

Magtatapat naman sa isa pang semis series ang No. 1 Talk ‘N Text at No. 4 San Mig Coffee na sumibak sa No. 8 Barako Bull at No. 5 San Miguel Beer, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Kaagad na kinuha ng Rain or Shine ang 21-4 abante sa pagbubukas ng first period hanggang makalapit ang Air21, sinamahan sa bakasyon ang Barako Bull at San Miguel Beer, sa 35-38 mula sa basket ni import Dominique Sutton sa second quarter.

Muling nakalayo ang Elasto Painters sa halftime, 55-45, para ilista ang 23-point advantage, 73-50, mula sa three-point play ni Jeff Chan kay Jonas Villanueva ng Express sa 5:20 ng third period.

Napababa ito ng Air21 sa 85-97 sa ilalim ng huling apat na minuto sa final canto hanggang magsalpak si Paul Lee ng dalawang three-point shots na naglayo sa Rain or Shine sa 103-85 sa huling 3:41 minuto.

Pinamunuan ni Sutton ang Express sa kanyang 35 points kasunod ang 18 ni Eloy Poligrates, 16 ni Aldrech Ramos at 11 ni Asi Taulava. 

 

RAIN OR SHINE 111 - Reid 30, Lee 14, Rodriguez 12, Arana 11, Norwood 9, Nuyles 7, Tiu 6, Chan 6, Belga 5, Teng 5, Ibanes 4, Uyloan 2, Cruz 0, Almazan 0.

Air21 90 - Sutton 35, Poligrates 18, Ramos 16, Taulava 11, Anthony 5, Yeo 3, Cardona 2, Borboran 0, Villanueva J. 0, Burtscher 0, Menor 0, Camson 0, Atkins 0.

Quarterscores: 30-21; 55-45; 83-64; 111-90.

ALDRECH RAMOS

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DOMINIQUE SUTTON

ELASTO PAINTERS

ELOY POLIGRATES

JEFF CHAN

JONAS VILLANUEVA

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with