Jordan bilyonaryo na - Forbes Magazine
CHARLOTTE, N.C. -- Narating na ni NBA legend Michael Jordan ang billionaire status.
Inihayag ng Forbes Magazine na ang equity ni Jordan bilang team owner ng Charlotte Hornets ay umaÂbot sa $416 milyon at ang kanyang net worth sa labas ng koponan ay $600 milyon.
Naiulat na si Jordan ay nagmamay-ari ng 89.5 porÂsiÂyento ng Hornets.
Kinumpirma ng spokeswoman ni Jordan na si Estee Portnoy na bumili si Jordan ng additional stake sa HorÂnets noong Enero ng 2013.
Ngunit hindi nito sinabi kung magkano.
Wala ring komento si Portnoy kung si Jordan ay isa nang bilyonaryo.
Isang six-time NBA champion player, sumikat ang 51-anyos na si Jordan sa basketball court na nagresulta sa kanyang mga endorsements at pelikula.
- Latest