Crusis tagumpay sa Philracom3rd Leg Imported/Local Challenge
MANILA, Philippines - Nagtagumpay ang kabayong Crucis sa unang takbo sa stakes race nang tanghaling kampeon sa 2014 Philracom 3rd Leg Imported/Local Challenge Race noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Ibinalik ang kabayo sa dating hinete na si Jeff Zarate at nagtagumpay ang tambalan na maisantabi ang hamon ng ibang katunggali tungo sa ikaapat na sunod na panalo sa taon.
Sa mahabang 1,800- metro distansya ang karera at ang itinanghal bilang kampeon sa Imported horse noong nakaraang taon ay naorasan ng 1:50.2 sa kuwartos na 13’, 23, 23, 23, 28.
Naibulsa ng Crucis na pag-aari ni dating Philracom commissioner Marlon Cunanan ang P300,000.00 unang gantimpala mula sa P500,000.00 kabuuang premyo.
Idineklara bilang patok na kabayo sa nakuhang P254,643.00 benta mula sa P562,383.00 total sales sa Daily Double, agad na isinunod ni Zarate ang Crucis sa Strong Champion ni Jessie Guce sa pagbubukas ng aparato.
Sa pagpasok sa 800-metro marka ay angat na ang Crucis pero nakasabay pa rin ang Strong Champion na naunang pinahirapan ang katungga-ling kabayo nang magtuos noong nakaraang buwan at nadomina rin ng Crucis.
Pero pagpasok sa rekta ay nawala na ang second choice na Strong Champion at ang pumalit ay ang Oh Oh Seven ni Fernando Raquel Jr.
Hindi nagpabaya si Zarate at ginamitan ng latigo ang kabayo para makuha ang panalo.
Ang Excelsia at Classy And Swift ang kumumpleto sa datingan ng anim na kabayo.
May P112,500.00 ang gantimpala ng Oh Oh Se-ven habang ang Pinespun at Strong Champion ay nag-uwi ng P62,500.00 at P25.000.00.
Ang karera na nakitaan ng mahigpitang labanan sa maghapon ay naganap sa race 3 na isang 3YO Special Handicap Race na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.
Napalabas ni Guce ang lakas sa pagremate ng kabayong High Grader upang abutan sa meta ang naunang lumamang na St. Claire ni CS Pare.
Nauwi sa photo finish ang karera at ang resulta ay unang nailusot ng High Grader ang ilong nito sa St. Claire para ideklarang panalo.
- Latest