PCSO Silver Cup itatampok sa Makati Racing Festival ngayon
MANILA, Philippines - Pasasayahin ang pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayon sa pagselebra ng ika-344th anibersaryo ng Siyudad ng Makati City.
Bukod sa pagtakbo sa tampok na karera na PCSO Silver Cup, ang 12 iba pang karera na paglalabanan sa maghapon ay kabilang sa Araw ng Makati Racing FesÂtival.
Magpapatingkad sa selebrasyon ay ang paglarga ng Mayor Jejomar Erwin S. Binay Jr. Cup na sinahuÂgan ng P300,000.00 kabuuang gantimpala ng nagtaÂtaguyod na Philippine Racing Commission.
Mga edad tatlong taon kabayo ang nagpatala sa kaÂrera at ang mananalo ay magbibitbit ng P180,000.00 bilang unang gantimpala.
Ang mga kasali ay ang Hello Kaetee (C.V. Garganta), coupled entries Australian Lady (V. Dilema) at The Lady Wins (P. Dilema), Kukurukuku Paloma (J.F. Paroginog), Lady Leisure (J.D. Juco), Director’s Play (L.D. Balboa), Good Connection (M.A. Alvarez), River Mist (J.T. Zarate) at Wo Wo Duck (J.B. Bacaycay).
Ipinalalagay na paboÂrito ang Wo Wo Duck at Lady Leisure dahil tumapos ang mga kabayong ito sa pangalawang puwesto sa huli nilang takbo.
Ang papangalawa ay tatanggap ng P67,500.00, ang papangatlo ay may P37,500.00, habang ang paÂpang-apat ay may P15,000.00 premyo.
Ang kikitain ng karerang ito ay ibibigay sa SerÂbisyong Tunay FounÂdaÂtion.
May siyam na kaÂrera ang nilagyan ng P150,000.00 added prize sa mananalong kaÂbayo, habang ang daÂlawang karera ay may P140,000.00 dagdag na premÂyo.
- Latest