^

PM Sports

Dating microsoft CEO ang nanalo sa bidding para sa CLippers team

Pang-masa

LOS ANGELES – Nakipagkasundo na si Shelly Sterling nitong Huwebes para ibenta ang Los Angeles Clippers kay dating Microsoft CEO Steve Ballmer sa halagang $2 billion na magiging record deal kung aaprubahan ng NBA, ayon sa taong may kinalaman sa negosasyon.

Sinabi ng source na si Ballmer at ang Sterling Family Trust ay mayroon nang  ‘binding agreement’  at ipriprisinta na lamang ito sa NBA.

Agad na nakipagnegosasyon si Shelly Sterling matapos lumabas sa publiko ang racist comment ng kanyang dating asawang Clippers owner na si Donald Sterling.

Sa voice recording, narinig si Sterling na sinabihan ang kanyang girlfriend na si V. Stiviano na huwag magdala ng mga ‘blacks’ o African-Americans sa Clippers games, kung saan binanggit pa niya si Hall of Famer Magic Johnson. Kailangan ding apruba-han ni Donald Sterling ang final agreement bilang 50 percent owner.

Tinalo ni Ballmer ang iba pang nag-bid na Guggenheim Partners at isang grupo na kinabibilangan ni dating NBA All-Star Grant Hill matapos magpresinta ng ‘’all-around superior bid,’’ ayon pa sa source.

 

AFRICAN-AMERICANS

ALL-STAR GRANT HILL

BALLMER

DONALD STERLING

GUGGENHEIM PARTNERS

HALL OF FAMER MAGIC JOHNSON

LOS ANGELES CLIPPERS

SHELLY STERLING

STERLING FAMILY TRUST

STEVE BALLMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with