^

PM Sports

Benefit race ngayon para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasisiglahin ang pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayon sa gagawing benefit race pa­ra sa nabiktima ng bagyong ‘Yolanda’ at ng ‘Adopt A Barangay Racing Festival’.

Pitong kabayo ang kasali sa Mayor Leonardo ‘San­dy’ Javier Jr. Stakes Race na siyang tampok na ka­rera para sa mga nabiktima ng super typhoon na ita­takbo sa race five.

Ang nasabing 1,400-metrong karera ay sinahu­gan ng P300,000.00 ni Javier at ang mananalo ay magbi­bitbit ng P180,000.00 gantimpala.

Ang mga kasali ay ang Unica Champ, Semper Fidelis, Al Safirah, Most Unbelievable, Honour Class, Shining Gold at Heart Smart.

Hanap ng Unica Champ ang ikalawang sunod na panalo matapos manaig noong Mayo 20 sa Santa Ana Park para ipalagay na palaban sa karerang ito.

Ang Al Safirah ay hahawakan ngayon ni LT Cua­d­ra Jr. mula kay CV Garganta na naihatid ang kabayo sa pangatlong puwestong pagtatapos sa huling takbo upang gumanda rin ang tsansang manalo.

Ang papangalawa ay mayroong P67,000.00 prem­yo, habang P37,500.00 at P15,000.00 ang mapupunta sa papangatlo at papang-apat sa datingan.

May dalawa pang P180,000.00 added prize sa ma­suwerteng kabayo na mananalo ang magaganap sa Phil­racom-Quezon City-Liga ng mga Barangay na ba­hagi ng ‘Adopt A Barangay Racing Festival’.

Ang Dear Ashley, The Expert, Calabar Zone, Stri­ker’s Symbol, Whistler at Chevrome ang mga magsu­sukatan sa 1,500-m race three habang ang Grand Duke, Dugo’s Charm, Lover Of All, Majestic Queen, Ni Haow, Candy Crush at coupled entry Tin Man at Red Heroine ang mga magsusukatan sa 1,400-m na race four.

Ang Philippine Racing Commission ay nagbigay ng P150,000.00, habang ang Katialis ay nagsahog ng P30,000.00 para mabuo ang gantimpalang ibibigay sa mananalo lamang.

ADOPT A BARANGAY RACING FESTIVAL

AL SAFIRAH

ANG AL SAFIRAH

ANG DEAR ASHLEY

ANG PHILIPPINE RACING COMMISSION

CALABAR ZONE

CANDY CRUSH

SHY

UNICA CHAMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with