^

PM Sports

Labanan ng mga UAAP teams

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang itulak-kabigin sa apat na UAAP teams na siyang maglalaban-laban sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference semifinals mula bukas sa The Arena sa San Juan City.

Mataas ang  morale ng Adamson Lady Falcons sa pagharap sa pinalakas na FEU Lady Tamaraws dahil sila ang huling koponan na umabante sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Tinalo ng Lady Falcons ang naunang nagpapasikat na guest team Davao Lady Eagles sa straight sets bago tinapos ang limang sunod na panalo ng UST Lady Tigresses sa naitalang apat na sets na panalo upang lumabas pa bilang number one sa Group 1.

Laro ng ibang import ang nakukuha ng Adamson kay Thai reinforcement Patcharee Sangmuang pero naroroon pa rin ang suporta ng mga beteranang tulad nina Shiela Pineda, May Macatuno at Pau Soriano.

Dapat hindi mawala ang magandang porma ng mga ito dahil inspirado ang Lady Tamaraws matapos makuha ang mahuhusay na guest players na sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga.

Dahil sa husay nina Daquis at Gonzaga na nagpalakas sa FEU na humuhugot din ng magandang numero kina Bernadette Pons at Mary Joy Palma, ang Lady Tamaraws ay nanalo sa St. Benilde Lady Blazers at Arellano Lady Chiefs upang maisantabi ang 0-1 karta at umabot sa semifinals.

Tiyak na mainitan din ang labanan sa hanay ng nagdedepensang kam-peon National U Lady Bulldogs at ang palabang Tigresses sa isa pang pares ng semifinals sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Hindi natalo ang NU sa dalawang laro sa quarterfinals dahil sa pagtutulungan ng mga malalaking manlalaro na sina Dindin at Jaja Santiago, Myla Pablo at Aiko Urdas. Nakuha na uli ng setter na si Ruby De Leon ang dating laro habang ang pagbabalik ng mahusay na libero na si Jen Reyes ang nagpatibay sa kanilang depensa.

Hindi naman pahuhuli ang UST dahil aasahan nila sina Ennajie Laure, Pamela Lastimosa, Carmela Tunay Marivic Meneses at Jessey De Leon para sa pag-atake habang ang opensa ay pamamahalaan ng bete-ranang si Rhea Dimaculangan. (AT)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AIKO URDAS

ARELLANO LADY CHIEFS

BERNADETTE PONS

CARMELA TUNAY MARIVIC MENESES

DAVAO LADY EAGLES

ENNAJIE LAURE

FINAL FOUR

LADY

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with