LA Lakers di nagmamadali sa pagkuha ng bagong coach
LOS ANGELES – Sinabi ng Los Angeles Lakers na hindi sila nagmamadali sa paghahanap ng bagong head coach.
Ibig sabihin ay puro espekulasyon lang ang lahat ng maririnig tungkol sa napakaraming kandidato na papalit kay Mike D’Antoni matapos ang masamang pagtatapos ng Lakers ngayong season sa loob ng mahigit 50 years.
Matapos ang di magandang kinahinatnan sa pagkuha kina Mike Brown at D’Antoni, kailangang pag-isipang mabuti ni owner Jim Buss, pumalit sa yumao niyang tatay na si Jerry, kung sino ang kanyang kukuning coach.
Sinabi ni General manager Mitch Kupchak na walang timetable para sa paghahanap ng bagong caoch na maaaring uma-bot hanggang NBA draft lottery sa May 20.
Marami pa rin ang interesadong hawakan ang Lakers sa likod ng kanilang 27-55 season at ang iluluklok na coach ay mangunguna sa pagre-rebuild ng prangkisa sa mga susunod na taon para sa 16-time champions.
Kabilang sa mga kandidato ay sina dating La-kers guard Byron Scott at forward Kurt Rambis na may karanasan na sa pagko-coach sa ibang liga.
- Latest