Chicago at Houston nakabawi sa game three: Brooklyn ginitla ang Toronto para sa 2-1 lead
NEW YORK -- TuÂmalon ng mataas si Paul Pierce para sa kanyang slam dunk, habang suÂmadsad si Kevin Garnett paÂra sa loose ball at tila ang Brooklyn ay naging BosÂton.
“This is a totally diffeÂrent team, totally different feeling,’’ guard Deron WilÂliams. ‘’I think we’re poised to make a run.’’
Umiskor si Joe Johnson ng 29 points, habang pinalakas nina Pierce at Garnett ang loob ng Nets para talunin ang ToÂronto Raptors, 102-98, at sikÂwaÂtin ang 2-1 abante sa kaÂnilang first-round series.
Isinalpak ni Johnson ang dalawang free throws sa natitirang 3.1 segundo at muntik nang mawalang-saysay ang itinayong 15-point, fourth-quarter lead laban sa Raptors.
Nagdagdag si Williams ng 22 points at 8 assists para sa Brooklyn.
Nagtala si Pierce ng 18 points at nakatuwang si Garnett sa ratsada ng Nets sa second quarter.
Tumipa si DeÂMar DeÂRozan ng 30 points sa paÂnig ng Raptors, naipatalo ang 13 sunod na road playoff games.
Nag-ambag si Patrick Patterson ng 17 points nguÂnit naimintis ang dalawang free throws na nagtabla sana sa Toronto.
Tumapos si Kyle LowÂry na may 15 points.
Sa Washington, umiskor si Mike Dunleavy ng 35 points, habang ikinasa ni Jimmy Butler ang go-ahead 3-pointer sa huling 24 segundo para sa 100-97 paglusot ng Chicago Bulls sa Washington WiÂzards at idikit sa 1-2 ang kaÂnilang serye.
Nagtala si Dunleavy ng 12-for-19 fieldgoal shooting, tampok dito ang caÂreer-high na walong 3-pointers.
Sa Portland, nagsalpak si rookie Troy DaÂniels ng isang 3-pointer sa huling 11.9 segundo paÂra itakas ang Houston Rockets sa 121-116 overtime victory laban sa Trail BlaÂzers at makadikit sa 1-2 sa kanilang serye.
Naglista si James HarÂden ng career playoff-best 37 points at kumolekta si Dwight Howard ng 24 points at 14 rebounds paÂra sa Rockets.
Nakabangon ang Portland mula sa 11-point deÂficit sa final quarter patuÂngo sa overtime.
- Latest