^

PM Sports

Gabe Freeman dumating na sa bansa Pipiliting sagipin ang kampanya ng Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating kahapon ng madaling-araw si two-time PBA Best Import Gabe Freeman para sagi­pin ang bumubulusok na kampanya ng Barangay Gi­nebra.

Matapos ang ilang oras na pagtulog ay sumabak kaagad ang 6-foot-5 na si Freeman sa ensayo ng Gin Kings ng alas-8 hanggang alas-10:30 ng uma­ga sa Green Mea­dows gym.

Kinahapunan ay nag­tu­ngo naman si Freeman sa Bureau of Immigration (B) at sa Games and Amusement Board (GAB) para asikasuhin ang kanyang mga papeles.

Nakatakdang iparada ng Ginebra si Freemen kon­tra sa Rain or Shine sa Linggo para sa kanilang huling laro sa elimination round.

Nauna nang ikinunsi­dera ng Gin Kings sina Andre Emmett, Charles Thomas at Dior Lowhorn, ang kanilang ginamit na reinforcement sa 2013 PBA Go­vernor’s Cup.

Si Freeman ang magi­ging pangatlong import ng Gin Kings sa komperensya matapos sina Leon Rodgers at Josh Powell.

Biglaang bumalik sa United States ang 6’9 na si Powell, miyembro ng back-to-back champion team ng Los Angeles La­kers, matapos makatanggap ng tawag mula sa Houston Rockets para sa NBA Playoffs.

Ang 28-anyos na si Free­man ay naglaro para sa San Miguel Beer noong 2009 at 2010.

Kumampanya din siya para sa Philippine Patriots at sa San Miguel Beermen sa Asean Basketball League (ABL).

Nakita din si Freeman sa pitong laro para sa Ba­rako Bull noong 2012.

Nagposte si Freeman ng mga PBA career ave­rages na 21.1 points, 16.2 rebounds, 1.5 assists at 1.2 steals sa 60 laro.

Ang laro ng Ginebra at Rain or Shine ang dedetermina sa kanilang mga puwesto sa quarterfinals.

Ang Talk ‘N Text ang kumuha sa No. 1 seat sa quarterfinals bitbit ang ‘twice-to-beat’ incentive.

ANDRE EMMETT

ANG TALK

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BARANGAY GI

BEST IMPORT GABE FREEMAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CHARLES THOMAS

GIN KINGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with