^

PM Sports

Malapit nang pantayan ni Durant si Jordan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatili ang San Antonio Spurs sa liderato ng NBA Power Rankings. Kasabay nito, humahabol na si Kevin Durant kay Michael Jordan.

1. San Antonio Spurs (58-16; ranking nila last week: 1): Sumulong sa bagong record na  18-game winning  streak ang Spurs matapos igupo ang India-na at susunod nilang sasagupain ang Golden State at Oklahoma City.

2. Oklahoma City Thunder (54-19; ranking nila last week: 3): Umiskor si Kevin Durant ng hindi bababa sa 25 points ng 38 straight games at dalawang laro na lang ay aabutan na niya ang 17-taong record ni Michael Jordan.

3. Los Angeles Clippers (53-22; ranking nila last week: 2): May reputasyon si coach Doc Rivers na maingat sa kanyang star players na may injury. Asahan ito kay Blake Griffin na may back spasms.

4. Miami Heat (51-22; ranking nila last week: 7): Haharapin ng Miami sa sariling balwarte ang posibleng ma-ging kalaban nila sa second-round ng playoffs na Raptors sa Lunes. Ang Miami ay may 14-game win streak kontra sa Toronto, kabilang ang 3-0 ngayong season.

5. Houston Rockets (49-23; last week’s ranking: 4): Ang Houston ay 13-8  ngayong season kapag starter si Jeremy Lin sa point guard position. Out na indefinitely si point guard Patrick Beverley dahil sa injury sa tuhod.

6. Indiana Pacers (52-23; ranking nila last week: 5): Surpresang may 8-9 record lang ang Indiana nga-yong March at umiskor lang ng 85 points sa kanilang huling anim na games. Ang susunod pa nilang kalaban ay ang Spurs.

7. Portland Trail Blazers (48-27; ranking nila last week: 9): Ang Golden State ay may hawak na 2-1 lead sa kanilang series ng Trail Blazer para sa playoff tiebreaker. Host ang Portland sa kanilang laban kontra sa Warriors sa April 13.

8. Golden State Warriors (45-28; ranking nila last week: 6): Bukod kay Andrew Bogut na ‘di na nakakalaro dahil sa groin injury, nag-miss din si David Lee ng dalawang sunod na game dahil sa hamstring injury at hindi pa siya nakakatakbo ngayon.

9. Phoenix Suns (44-30; ranking nila last week: 11):  Ang schedule ng Suns na umaasang makapasok sa playoffs ay kontra sa Clippers, Blazers, Thunder, Pelicans, Spurs, Mavs, Grizzlies at Kings.

10. Memphis Grizzlies (44-30; ranking nila last week: 8): Kalaban ng Memphis ang apat sa kanilang huling walong laro ang mga nagpapanalong koponan at may apat na games na natitira overall sa sariling balwarte.

ANDREW BOGUT

ANG GOLDEN STATE

ANG HOUSTON

KEVIN DURANT

LAST

MICHAEL JORDAN

NILA

RANKING

SAN ANTONIO SPURS

WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with