^

PM Sports

Hagdang Bato paborito sa Philracom Commissioner’s Cup

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapana-panabik na tagisan sa hanay ng mga tini­ngalang kabayo ang magaganap sa paglarga ngayon ng 2014 Philracom Commissioner’s Cup sa San Laza­ro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Mangunguna sa pitong kabayong kasali ang back-to-back Horse of the Year awardee na Hagdang Bato na makikipagtambalang muli sa hineteng si Jonathan Hernandez.

Tiyak naman na hindi magiging madali ang hanap na tagumpay ng limang taong kabayo dahil sa pagsa­li ng Tensile Strength ni Dominador Borbe, Pugad La­win ni Pat Dilema at Spinning Ridge  ni JPA Guce.

Kasali rin ang Be Humble ni Kevin Abobo at Leo­nor ni Fernando Raquel Jr. na tiyak na gagawin din ang lahat para manalo sa karerang paglalabanan sa 1,800-metro distansya.

Inspirasyon ng mga kalahok ang P720,000.00 unang gantimpala mula sa P1.2 milyong premyo na isina­hog ng Philippine Racing Commission (Philracom) na inialay ang karera kay dating commissioner James Erving L. Paman.

Ang winning breeder ay may P50,000.00 din, ha­bang ang papangalawa hanggang papang-apat sa datingan ay may pa­buyang P270,000.00, P150­,­000.00 at P60,­000.00, ayon sa pagkaka­su­nod.

Mauuna rito ay ang labanan ng pitong kabayo sa Philracom-OTBSAPI Charity/Benefit race.

Ang mga kasali ay ang Appendectomy (FM Ra­quel Jr.), Wow Pogi (JB Guerra), Yona (JB Gu­ce), Quick Hunter (P Di­lema) at coupled entry Limitless (JB Hernandez), Director’s Diva at Tob­ruk.

Ang magiging beneficiary ng karerang naglaan ng P180,000.00 para la­mang sa mananalong ka­bayo, ay ang Marie Liana Torres Lazo Foundation, Inc.

BE HUMBLE

DOMINADOR BORBE

FERNANDO RAQUEL JR.

HAGDANG BATO

HORSE OF THE YEAR

JAMES ERVING L

JONATHAN HERNANDEZ

KEVIN ABOBO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with