^

PM Sports

Bumawi si Nowitzki Lakers sinorpresa ang Knicks

Pang-masa

DALLAS -- Dismayado si Dirk Nowitzki sa kanyang naging shooting performance sa kabiguan ng Dallas Mavericks sa Brooklyn Nets noong Linggo.

Ngunit bumawi ang veteran forward nang humugot ng pito sa kanyang 32 points sa overtime para tulungan ang Mavericks sa 128-119 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

May 10 rebounds at 6 assists din si Nowitzki.

Sa pagkatalo ng Dallas sa Brooklyn noong Linggo ay nagposte siya ng malamyang 2 for 12 fieldgoal shooting na pinakamasama niyang shooting performance ngayong season.

“The last game was disappointing for me,’’ sabi ni Nowitzki. “I was just hesitating too much, so I had to go back to having fun out there and just being me. That was a heck of a game, and it was fun to be a part of.’’

Nagtala si Jose Calderon ng 6 for 8 sa 3-point range at tumapos na may 22 points.

Pinamunuan naman ni Kevin Durant ang Thunder sa kanyang 43 points, habang umiskor si Russell Westbrook ng 23 points.

Sa Los Angeles, kumayod si Xavier Henry ng 22 points at tumipa si Nick Young ng limang three-pointers sa kanyang 20 points at umiskor ang Los Angeles Lakers ng isang franchise-record 51 points sa third quarter tungo sa kanilang 127-96 panalo laban sa New York Knicks.

Nag-ambag si Kent Bazemore ng 18 points para sa kauna-unahang back-to-back wins ng Lakers sa halos tatlong linggo.

BROOKLYN NETS

DALLAS MAVERICKS

DIRK NOWITZKI

JOSE CALDERON

KENT BAZEMORE

KEVIN DURANT

LINGGO

LOS ANGELES LAKERS

NEW YORK KNICKS

NICK YOUNG

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with