Boracay Rum may maaasahan
MANILA, Philippines - Kung ang unang laro ang pagbabasehan, hindi kakapusin ang Boracay Rum kung pagkukunan ng puntos ang pag-uusapan sa PBA D-League Foundation Cup.
Tumapos si Chris Banchero taglay ang 22 puntos, mula sa 7-of-12, shooting, ngunit tatlong iba pang kasamahan ang nakitaan din ng mainit na paglalaro para kunin ang 79-69 panalo sa Cagayan Valley kahapon sa The Arena sa San Juan City.
“We got off to a slow start. But our defense picked up in the second half and we got a lot of contributions from our reserves,†pahayag ni Waves coach Lawrence Chongson.
Sina Lingganay at Taha ay tumapos bitbit ang 12 at 10 puntos habang si Cabrera ay may 9 puntos na nailista mula sa tatlong tres. May 10 puntos pa si Maclean Sabelina.
Sumalo sa liderato sa Waves ang Café France at Cebuana Lhuillier nang padapain ang mga nakatunggali.
Nakita ang magandang teamwork ng Bakers para sa 90-73 pagdurog sa Derulo Accelero habang ang Gems ay sumungkit ng 60-54 panalo sa Jumbo Plastic sa huling laro.
Ang Kenyan center ng Centro Escolar University na si Ebondo Rodrique ay mayroong 18 puntos habang sina Jam Cortez, Rocky Acidre, Alvin Abundo at Mac Montilla ay nagsanib sa 52 puntos tungo sa mabangis na panimula ng tropa ni coach Edgar Macaraya.
Sa tindi ng opensa ng Bakers ay dalawang beses silang nakapagtala ng 27 puntos sa labanan.
Nakatulong naman sa Gems ang nakumpletong three-point play ni Riego Gamalinda para makalayo sa 58-50 ang koponan tungo sa pagsosyo sa liderato sa sampung koponang liga.
- Latest