^

PM Sports

Nagningning ang Royal Reign: Sa 3YO and up Maiden race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mas mahabang karera lumabas ang kinang ng Royal Reign para mapangatawanan ang pagiging paborito sa karera na nangyari noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Pat Dilema ang gumabay sa kabayo at ang ikalawang hinete ng Royal Reign ang siyang pinalad na makapaghatid ng panalo sa ikatlong takbo ng kabayo sa taong 2014 sa 3YO and up maiden race.

Kontrolado ng Royal Reign ang kabuuan ng karera dahil inuna na agad ni Dilema ang kabayo sa pagbukas ng aparato.

Napilitang sumabay ang mga kabayong Yona ni JB Guce, Magical Bell ni NK Calingasan at Cleave Ridge ni RC Baldonido upang hindi maiwanan.

Isang dipa lamang ang agwat ng Royal Reign pero pagsapit sa rekta ay tumira na si Dilema upang manalo ng halos anim na dipa sa rumemate ring Cleave Ridge.

Ang tagumpay ay nagresulta para hawakan ang P10,000.00 premyo na ibinigay ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Outstanding ang Royal Reign para magkaroon lamang ng balik-taya na P5.00 sa win habang ang Cleave Ridge ay dehadong kabayo dahil hindi ito tumimbang sa mga huling takbo.

Dahil dito, pumalo ang forecast na 4-10 sa P104.50.

Nagpasiklab din ang kabayong All Exist na dinomina ang nilahukang 1,100-metrong class division 2 race.

Dehado ang kabayong hawak ni Jeff Bacaycay dahil pumang-apat lamang ito sa huling takbo ngunit handa sa laban ang tambalan nang iwanan agad ang mga katunggali.

Buo pa na dumating ang All Exist sa  meta at nanalo ng halos dalawang dipa sa Classy na nalagay sa ikatlong pangalawang puwestong pagtatapos sa huling tatlong takbo.

Pumalo pa sa P57.50 ang ibinigay sa win habang kumabig ang mga pinalad na tumaya sa All Exist at Classy na ginabayan ni AB Serios ng P1,367.00 sa 8-6 forecast.

Ang Divisoria na paborito sa sampung kabayo na naglaban bunga ng magandang panalo sa huling takbo ay hindi tumimbang sa pagkakataong ito.

Isa ring karera na tinutukan ay ang Special Handicap Race  na kinakitaan ng tagisan ng mga mahuhusay na kabayo na Eurasian, Be Humble, Amberdini at Ballet Flats.

Ang Amberdini na diniskartehan ni Rodeo Fernandez ang siyang nagwagi sa 1,300-metro distansya laban sa 2013 Philracom Grand Derby na Be Humble na paborito sa laban.

Balikatan ang labanan ng dalawang kabayo sa rekta at angat ng kaunti ang Be Humble sa pagdadala ni Kevin Abobo pero may reserba pang lakas ang Amberdini para manalo ng isa’t kalahating dipa ang layo.

Naghatid ng P23.50 ang win ng Amberdini habang nasa P99.00 ang ibinigay sa 3-2 forecast.

ALL EXIST

AMBERDINI

ANG AMBERDINI

ANG DIVISORIA

BALLET FLATS

BE HUMBLE

CLEAVE RIDGE

DILEMA

JEFF BACAYCAY

ROYAL REIGN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with