^

PM Sports

No. 11 jersey ni Ilgauskas iniretiro ng Cavaliers

Pang-masa

CLEVELAND -- Sa pag-alingawngaw sa arena ng ‘’Zeeeeeee,’’ ikinaway ni Zydrunas Ilgauskas ang kanyang kanang kamay at inilagay ang kaliwang kamay sa kanyang puso.

Nagsimula bilang isang patpating bata mula sa Lithuania, pinigilan ni Ilgauskas ang kanyang emos-yon at nagpapasalamat sa mga fans.

“Thanks for giving me a place I can proudly call home,’’ wika niya.

Nagpalakpakan naman ang mga Cleveland fans.

Nangibabaw ang 7-foot-3 na si Ilgauskas sa lahat ngunit nanatiling mapagkumbaba.

Na-survive ni Ilgauskas ang mga injuries at iba pang mabibigat na pagsubok sa buhay para maging isa sa pinakamamahal na player sa Cleveland.

Iniretiro ang kanyang No. 11 jersey noong Sabado sa isang emosyunal halftime ceremony sa pagharap ng Cavs sa New York Knicks.

Si Ilgauskas ang ika-pitong player sa kasaysayan ng koponan na binigyan ng pagpapahalaga at itinabi ang kanyang jersey kina Austin Carr, Nate Thurmond, Bobby ‘Bingo’ Smith, Larry Nance, Brad Daugherty at Mark Price sa kisame ng Quicken Loans Arena.

“Throw basketball stuff out the window,’’ sabi ni Cavs coach Mike Brown kay Ilgauskas. “He’s a terrific human being.’’

Sa seremonya ay nakasama ni Ilgauskas ang kanyang asawang si Jennifer at mga ampon na sina Deividas at Povilas. Dumalo din ang kanyang mga magulang pati na sina dating Cavs owner Gordon Gund, ilang dating mga kakampi kabilang si superstar LeBron James na inimbitahan ni Ilgauskas.

“Probably one of the most talented guys I ever played with,’’ ani James.

AUSTIN CARR

BRAD DAUGHERTY

GORDON GUND

ILGAUSKAS

KANYANG

LARRY NANCE

MARK PRICE

MIKE BROWN

NATE THURMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with