Butler pumayag nang pumirma sa Thunder
OKLAHOMA CITY -- Pumayag na si Caron Butler na pumirma sa Oklahoma City Thunder, ayon sa isang taong may alam sa sitwasyon.
Hindi ibinunyag ng source ang detalye hangga’t hindi pa napa-finalize ang deal.
Isang contract buyout ang ginawa ng Milwaukee Bucks para sa 33-anyos na forward noong Huwebes kasunod ang pagpapakawala sa kanya, ayon sa source.
Inaasahang lalagda si Butler sa Oklahoma City sa Sabado.
Si Butler ay may isang NBA title sa Dallas noong 2011 at inaasahang makakatulong sa kampanya ng Thunder na hangad na makatikim ng NBA title.
Sa kanyang 34 laro para sa Milwaukee ngayong season ay nagtala siya ng mga averages na 11.0 points at 4.6 rebounds at may career averages na 15.3 points, 5.4 rebounds at 2.5 assists per game.
- Latest



















