May binabalak ang kalaban ni Donaire
MANILA, Philippines - Sa pagharap ni WBA/IBO featherweight champion Simpiwe ‘V12’ Vetyeka kay Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire sa Cotai Arena sa Venetian Resort Macau sa Mayo 31 ay may ibang iniisip ito.
Hangad ni Vetyeka na maiganti ang kanyang mga stablemates na sina Moruti Mthalane at Jeffrey Mathebula na parehong tinalo ni Donaire.
Tinalo ni Donaire si Mthalane dahil sa isang putok sa mata noong 2008 at binigo si Mathebula sa pamamagitan ng knockdown sa fourth round noong 2012.
Sinasabing magkatulad ang istilo nina Vetyeka at Mathebula na parehong mga distance boxers.
Ayon naman kay Donaire, hindi niya babalewalain ang kakayahan ni Vetyeka na inila-rawan niya bilang isa sa pinakamabigat na boksingero ngayon sa fea-therweight division.
Ang iba pang kam-peon sa naturang kategorya ay sina Orlando Salido ng WBO, Evgency Gradovich ng IBF’at Jhonny Gonzalez ng WBC.
Ang South African na si Vetyeka ay may 16 knockouts para sa kanyang kabuuang 26-2 win-loss record. Dalawang beses lamang natalo si Vetyeka.
Ang mga ito ay kina Japanese Hozumi Hasegawa via unanimous decision para sa WBC bantamweight title fight noong 2007 at kay Klaas Mboyane buhat sa isang eight-round split decision noong 2012.
Ang lahat ng laban ni Vetyeka ay idinaos sa South Africa mali-ban sa Japan kontra kay Hasegawa, isa sa Mexico kung saan niya tinalo si Giovanni Caro, isa sa Jakarta kung saan niya binigo si Daud Yordan, isa sa US nang pabagsakin niya si Roberto Leyva at ang panalo kay Chris John sa Australia.
Si Vetyeka ay nakatakadang makipag-spar ng 200 rounds para paghandaan si Donaire sa ilalim nina trainers Vuyani Bungu at Lennox Mpulampula.
Pinag-isa ng 33-anyos na si Vetyeka ang IBO at WBA 126-pound titles matapos pabagsakin si John sa sixth round sa Perth noong Nobyembre.
Tinapos ni Vetyeka ang pangarap ni John na mapantayan ang 49-0 record ni Rocky Marciano.
Masayang tinanggap naman ng manager ni Vetyeka na si Andile Sidinile ang pagsagupa kay Donaire na nanalo ng mga world titles sa flyweight, bantamweight at superbantamweight.
Kinuha ni Donaire ang interim WBA superflyweight championship ngunit hindi siya naitaas sa title status.
- Latest