NBA news-NBA news: Okay kay Cuban si Silver
NEW YORK -- Maski si Mark Cuban ay sinabing patungo ang NBA officiating sa tamang direksyon.
Ang mga bagong patakaran ni Commissioner Adam Silver ay positibong tinanggap ng Dallas Mavericks owner na nakaalitan ni dating Commissioner David Stern.
“I think he’s taken some great steps on the officia-ting. There’s been more changes in 15 days or whatever it is than I saw in 14 years. So I like what he’s doing there,’’ sabi ni Cuban kay Silver.
Namultahan si Cuban ng higit sa $1.5 milyon ni Stern dahil sa kanyang pagtuligsa sa mga referees.
Kasama dito ang $500,000 penalty noong 2002 nang sabihin niyang hindi niya kukunin si dating NBA director of officials Ed Rush para pamahalaan ang isang Dairy Queen.
Sinabi ni Cuban na sa kanyang tingin ay bukas naman si Stern sa mga bagong ideas sa maraming bagay ngunit ‘closed minded’ sa isang bagay lamang.
Sinabi ni Silver sa kanyang unang press conference noong All-Star weekend na plano niyang dagdagan ang transparency sa liga at marami siyang gagawing pagbabago sa officiating policies.
Nene 6-week na ‘di makakalaro
WASHINGTON -- Anim na linggong hindi makakalaro si Wizards forward Nene dahil sa isang sprained MCL sa kanyang kaliwang tuhod na posibleng makaapekto sa hangarin ng koponan na makakuha ng unang playoff berth sapul noong 2008.
Sumailalim si Nene sa isang MRI noong Lunes matapos siyang ma-injured sa third quarter ng kanilang 96-83 panalo sa Cleveland.
Ang anim na linggong pagkawala ng Brazilian veteran ay tatama sa huli nilang mga laro sa regular season.
Nakamit ng Wizards ang kanilang ikatlong sunod na panalo para umangat sa 28-28 record at pumuwesto sa pang-lima sa mahinang Eastern Conference.
Nakuha ng Washington si Nene sa trade noong Marso ng 2012 at malakas ang Wizards kapag nasa maganda siyang kalusugan.
Davis hindi pa makakalaro sa CLippers
NEW ORLEANS -- Sumama na si Glen Davis sa LA Clippers sa kanilang biyahe para sa laban kontra sa New Orleans ngunit hindi pa tiyak kung pag-lalaruin siya kontra sa Pelicans sa Lunes dahil kaila-ngan pa niyang maipasa ang physical exam.
Ipinarating ng dating LSU star ang kagustuhan niyang madala ang kanyang championship experience mula sa Boston Celtics sa Clippers ni coach Doc Rivers.
Nagposte si Davis ng mga averages na 12.1 points at 6.3 rebounds sa kanyang 45 laro ngayong season bago bilhin ng Orlando Magic ang kanyang kontrata kaya siya naging isang free agent.
- Latest
- Trending