Wall, Nene itinakas ang Wizards sa Pelicans
WASHINGTON -- NaÂÂging tahimik ang gabi para kay John Wall.
Hanggang kinailaÂngan ng Washington WiÂzards ang All-Star guard paÂra manalo.
Nagdribol sa perimeter sa huling mga segundo ng laro kung saan naiwanan ang Washington ng isang puntos, nakita ng libÂre si Wall.
Sumalaksak siya at naÂkakuha ng depensa kaÂsuÂnod ang kanyang pasa kay Nene para sa game-winning slam dunk ng senÂtro sa natitirang 0.9 seÂgundo na naglusot sa 94-93 panalo ng Wizards konÂtra sa New Orleans PeÂlicans.
“I just prayed,†wika ni Nene. “I wanted to fiÂnish with the ball in my hands. They put the ball into my hands. John, he did amazing, penetration right there, he found me right there.â€
Isinalpak ang dunk sa kanyang kanang kamay, tumapos si Nene na may 30 points para tumbasan ang kanyang career high.
Ngunit ang pagpasa kay Nene ay wala sa isip ni Wall.
“I wanted to shoot a jump shot,†ani Wall. “I saw Anthony Davis come and I wanted to whip it around to (Marcin Gortat.) But I saw (Jeff) WiÂthey come at the same time and I saw Nene right there and that was the eaÂsiest, safest pass and luÂckily he got it off in time.â€
Nakuha ng Pelicans ang 93-92 bentahe sa huÂling 7.0 segundo mula sa dalawang free throws ni Davis.
Tumawag ang WiÂzards ng timeout para sa diskarte ni Wall.
Humakot si Davis ng 26 points at 11 rebounds paÂra sa New Orleans.
Sa Salt Lake City, kumolekta si Kevin Love ng triple-double para igiya ang Minnesota Timberwolves sa 121-104 paggiÂba sa Utah Jazz.
Nagtala si Love ng 37 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang unang career triple-double.
Muling naglaro ang MinÂÂnesota na wala sina starters Nikola Pekovic (ankle) at Kevin Martin (finger).
Nagdagdag si Ricky RuÂbio ng 15 points, habang may tig-13 sina CoÂrey Brewer at Chase BuÂdinger para sa Timberwolves.
- Latest