Philippines men’s football team gagawa ng history
MANILA, Philippines — Ibubuhos na ng Philippine men’s national football team ang buong lakas nito para masiguro ang tiket sa finals ng Asean Football Federation (AFF) Cup.
Nais ng Pinoy squad na makapasok sa AFF Cup finals sa kauna-unahang pagkakataon.
Kaya naman inaasahang ibubuhos ng mga Pinoy booters ang buong nakalas nito upang maisakatuparan ang inaasam na tagumpay.
Makakaharap ng Pilipinas ang powerhouae Thailand sa second leg ng semifinals ngayong araw sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok, Thailand.
Lamang ang Pilipinas sa semis matapos maitarak ang 2-1 panalo kontra sa mga Thais sa first leg noong Biyernes sa Rizal Memorial Football Field sa Malate, Manila.
Ito ang unang panalo ng Pilipinas laban sa Thailand sa loob ng mahigit limang dekada.
Tabla sa 1-1 ang iskor nang hatawin ni Kike Linares ang winning goal ng mga Pinoy booters para makuha ang panalo.
Inaasahang mapapalaban nang husto ang Pinoy squad lalo pa at nasa home pitch ang Thailand na gigil makaresbak.
“I know this was a very important game for everyone. But in our way of thinking, we’ve only done half of the job. We’ve arrived here and we don’t want to stop. We want to go to the second leg and try to qualify for the finals,” wika ni head coach Albert Capellas.
Kaya naman kakayod nang husto ang mga Pinoy booters para masiguro ang panalo.
“I’m sure we’ll work as warriors to make it happen. I don’t have any doubt. And I want to be sure now that the players recover fast,” dagdag pa ni Capellas.
Kailangan lamang ng mga Pinoy booters ang draw o isang panalo para makapasok sa rinals.
Maghaharap ang Pilipinas at Thailand sa alas-7 ng gabi (alas-8 ng gabi sa Maynila).
- Latest