^

PM Sports

NU kampeon sa UAAP tennis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Iginupo ni Christine Patrimonio si Rachelle de Guzman sa straight sets nang ungusan ng National U ang De La Salle U, 3-2 para makopo ang women’s tennis crown sa UAAP Season 76 sa Olivarez College courts sa Sucat kamakailan.

Tinalo ni Patrimonio, anak ng dating PBA star na si Alvin, si De Guzman. 6-4, 6-2 tagumpay.

Ang panalo ang kumumpleto sa  come-from-behind victory ng NU na bumangon sa 1-2 deficit laban sa natanggalan ng koponang Lady Archers.

Matapos isuko ang opening singles, nakabawi ang NU sa panalo nina Marie Gold Nagret at Anna Vienna Biernes kina  Lynette Palasan at Dasha Camille Bautista sa opening doubles, 6-2, 6-0,

Nakuha ng De La Salle ang dalawang singles matches kung saan napuwersang mag-retire si NU rookie Jzash Eale Canja dahil sa cramps sa huling bahagi ng second set upang ipalasap kay Ma. Regina Santiago  ang panalo, 3-6, 5-4 (ret.).  Nanalo naman si Marinel Rudas,  6-0, 6-4 victory kontra kay Hanna Grace Espinosa sa second singles para sa 2-1 kalamangan.

Ngunit nanalo si Patrimonio na sinundan ang tagumpay nina Kimberly Kaye Uytico at Junnalyn Polito kina Anne Rene Castillo at Nikkirey Arandia sa second doubles match, 6-3, 6-4.

 

ANNA VIENNA BIERNES

ANNE RENE CASTILLO

CHRISTINE PATRIMONIO

DASHA CAMILLE BAUTISTA

DE GUZMAN

DE LA SALLE

DE LA SALLE U

HANNA GRACE ESPINOSA

JUNNALYN POLITO

JZASH EALE CANJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with