^

PM Sports

Pacquiao, Bradley dumalaw sa Philadelphia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa Beverly Hills sa California at New York Ci­ty ay dumalaw sina Manny Pacquiao at Timothy Brad­ley, Jr. para sa isang meet ‘n greet appearance sa ha­nay ng mga empleyado ng Comcast global head­quart­ers sa Philadelphia.

Ito ang final stop ng media tour para sa rematch ni­na Pacquiao at Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ikinatuwa ng 35-anyos na Sarangani Congressman ang pagbati sa kanya ng mga Filipino employees sa na­turang Comcast global headquarters.

Pinagbigyan niya ang mga kahilingan ng kanyang mga kababayan na magpakuha ng litrato pati na ang kan­yang pirma.

Nangako ang Filipino world eight-division champion na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para bawiin kay Bradley ang dati niyang suot na World Boxing Organizaiton (WBO) welterweight crown na na­agaw sa kanya ng American fighter noong Hunyo 9, 2012 via split decision.

“The aggressiveness and killer instinct, I have that, but sometimes I’m too nice with my opponent,” wika ni Pacquiao.

“But this fight he challenged me to do that. But this fight, he’ll get it,” dagdag pa nito.

Inamin naman ng 30-anyos na si Bradley na hanggang ngayon ay marami pa ring boxing experts at fans ang hindi naniniwalang siya ang nanalo sa kanilang unang upakan ni Pacquiao.

“There is still this dark cloud that is going over my head after the first fight and I feel like I can’t move on with my career, man,” wika ni Bradley. “And I can’t move forward in my life without getting this matchup.”

Matapos hubaran ng korona si Pacquiao ay ma­tagumpay na nakapagdepensa si Bradley kontra kina Ruslan Provodnikov noong Marso at Juan Ma­nuel Mar­quez noong Oktubre ng nakaraang taon.

“I have to fight this guy again,” ani Bradley sa ka­nilang rematch ni Pacquiao. “It’s my opportunity, man, and I’m very pleased Pacquiao and I came to terms to make this fight for the fans.”

 

BEVERLY HILLS

BRADLEY

COMCAST

JUAN MA

LAS VEGAS

NEW YORK CI

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with