Junior athletes pararangalan sa 2013 PSA Annual Awards
MANILA, Philippines - Ang mga gold medaÂlists sa nakaraang 7th Asian Junior Wushu ChamÂpionships at ang mga par busters na nagwaÂgi sa kani-kanilang mga age group events sa Junior World Golf Championships ang grupo ng mga ToÂny Siddayao awardees na bibigyan ng paraÂngal sa Philippine SportswriÂters Association (PSA) AnÂÂnual Awards Night sa SaÂÂbado sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Pangungunahan ni Ken Alieson Omengan ang mga Filipino wushu bets, habang sina Pauline Beatriz Del Rosario at Kristoffer Arevalo ang baÂbandera sa 10-man list na hihirangin ng pinakamaÂtandang media organization sa event na inihahandog ng Milo at ng Air21 bilang major sponsor.
Ibinibigay sa mga atletang may edad 15-anyos paÂbaba na nagwagi sa kaÂni-kanilang mga events, ang award ay ipinangalan sa namayapang si sports ediÂtor Tony Siddayao, ikinukunsidera bilang ‘Dean of Philippine sports wriÂting’ na namatay noong 1996.
Maliban kay OmeÂngan, ang iba pang kumuÂha ng gintong medalya sa 2013 Asian junior chamÂpionships ay sina JohnÂzenth GaÂÂÂjo, Vanessa Jo Chan at AgaÂÂtha ChrystenÂzen Wong pati na ang eight-man exhiÂbition team.
Ipinagbunyi naman siÂna Del Rosario at Arevalo sa World Jungolf matapos manaig sa girls’ at boys’ 13-14 age bracket.
Pararangalan rin si Lou Daniella Uy na naÂmuÂno sa Team Philippines konÂtra sa Thailand sa girls’ 15-17 team championship katulong si Princess Mary Superal.
Ang kukumpleto sa Siddayao Awards na ibibigay ng PSA sa awards night katuwang ang Smart Sports, PhiÂlippine Sports CommisÂsion, Senator Chiz Escudero, Philippine BasÂketball AsÂsoÂciaÂtion, Philippine ChariÂty Sweepstakes Office, PhiÂlippine AmuseÂment and Gaming Corporation, Rain or Shine, Globalport, SM Prime Holdings, ICTSI-Philippine Golf Tour at Accel at 3XVI ay sina chess whiz Alekhine Nouri at Mark Reggie ‘MoyÂmoy’ Flores sa moÂtoÂcross.
Kabilang sa mga naÂbigÂyan na ng naturang award ay sina Grandmaster Wesley So, basketball star Jeron Teng, boxer Eumir Marcial at badminton netter Markie Alcala.
Kasama ang 10-man SidÂdayao awardees, kabuÂuang 123 personalities at entities ay kabilang sa PSA honor roll list na piÂnamunuan ng Gilas Pilipinas basketball team na hinirang na Athlete of the Year.
Ang naturang annual event na isinasaere ng long-time PSA partner na DZSR Sports Radio 918 ay magtatampok rin sa mga naunang kinilalang Athlete of the Year awarÂdees.
- Latest