^

PM Sports

Miami sadsad sa Atlanta

Pang-masa

ATLANTA  -- Umiskor si Paul Millsap ng 26 points nang tabunan ng Atlanta Hawks ang 30-point performance ni LeBron James’ upang igupo ang Miami Heat, 121-114 nitong Lunes.

Nagdagdag si  DeMarre Carroll ng 19 points habang si Pero Antic ay may 17 para sa Hawks na winakasan ang kanilang nine-game lo-sing streak sa kanilang series laban sa Heat.

Tumapos si  Chris Bosh ng 21 points para sa Miami na hindi nakasama si Dwyane Wade sa ikalawang sunod na game.

Ito ang unang panalo ng  Atlanta sa Miami sapul noong Jan. 2 at unang home win sa kanilang series sapul noong Nov. 18, 2009.

Sa Oakland, California, nagtala si Paul George ng 23 points habang si Roy Hibbert at may 14 points at 13 rebounds nang magtayo ang NBA-leading Indiana Pacers ng malaking kalamangan bago pinigilan ang Golden State Warriors tungo sa 102-94 panalo para sa kanilang ikalimang sunod na tagumpay.

Ang Pacers (33-7) ay lumamang ng 20 sa third quarter at hinayang nilang lumiit ang kanilang kalamangan sa 2-puntos bago bumawi sa closing minutes tungo sa panalo sa pagsisimula ng kanilang five-game West Coast roadtrip.

Nagdagdag si David West ng 17 points at tumapos si Lance Stephenson ng 14 points, 10 rebounds at seven assists upang tulungan ang Pacers  na lumayo nang tuluyan.

ANG PACERS

ATLANTA HAWKS

CHRIS BOSH

DAVID WEST

DWYANE WADE

GOLDEN STATE WARRIORS

INDIANA PACERS

LANCE STEPHENSON

MIAMI HEAT

NAGDAGDAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with