^

PM Sports

Heat bagsak sa Nets

Pang-masa

NEW YORK -- Na-ging aktibo si Shaun Livingston sa buong court, habang wala nang nagawa si LeBron James kundi panoorin siya.

Umiskor si Joe Johnson ng 32 points, habang tinulungan ni Livingston ang Brooklyn na dominahin ang ikalawang overtime matapos ma-foul out si James para sa 104-95 panalo ng Nets kontra sa Miami Heat sa larong puro palayaw ang nakalagay sa jersey ng mga players.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Nets ngayong 2014.

Nagtala si Livingston ng dalawang baskets at dalawang block shots sa pangalawang OT para tumapos na may 19 points, isang career-high na 11 rebounds at 5 assists sa loob ng 51 minuto bilang kapalit ng may injury na si Deron Williams.

“Gutsy. Gutsy,’’ ani Kevin Garnett ng Brooklyn. “I thought we fought for 48-plus minutes.’’

Nagdagdag si Paul Pierce ng 23 points, ngunit naimintis ang ilang jumpers na nagpanalo sana sa Nets sa regulation at sa unang overtime period. Sa kabila nito ay dumiretso pa rin sa kanilang pang-limang dikit na ratsada ang Nets.

Kumolekta naman si James ng 36 points, 7 rebounds at 5 assists, su-balit na-fouled out dahil sa isang offensive foul sa hu-ling 36 segundo sa unang overtime.

Ito ang unang pagkakataon na na-foul out si James sa regular season sapul noong 2008.

 

DERON WILLIAMS

JOE JOHNSON

KEVIN GARNETT

KUMOLEKTA

LIVINGSTON

MIAMI HEAT

PAUL PIERCE

SHAUN LIVINGSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with