^

PM Sports

Pamamaalam ni Stern sa NBA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Pebrero 1 ay nakatakdang ipasa ni David Stern ang NBA Commissionership kay Adam Silver na tatapos sa kanyang pamamahala sa liga sa loob ng 30 taon.

Sa kanyang termino, nalampasan ni Stern ang apat na lockouts, tinanggap ang pitong bagong prangkisa, itinatag ang WNBA, NBA D-League at ang NBA.com TV, pinataas ang revenues ng 500 percent, binuksan ang mga NBA offices sa buong mundo, nakipagtambal sa FIBA para dalhin sa global popularity ang basketball, pinalakas ang social media para higit na maabot ang mga fans.

Sinabi din ni Stern na maaaring may isang Filipino na makakapaglaro sa NBA. 

“This is a country that has qualified for the FIBA World Cup,” ani Stern.  “It qualified its junior team to the World Cup. It’s about, I suppose, commitment and growth but that’s an individual question.  It’s about sacrifice, discipline, hard work and teamwork.  And increasingly, what you’re beginning to see is that our players don’t just make it to the league because they’re great athletes, they work very hard, they practice, practice, practice.  In the summertime, they go to their own training regimen, they go to different places where they work with other players.  It’s hard to get here and it’s hard to stay here and it’s a tribute to all the hard work of our players.  I’m sure there are Filipino athletes that will be competent and capable of playing in the NBA.  It’s going to depend upon how committed they are to making that next step.”

Ang pinakamalapit na Filipino na naglaro sa NBA ay si Fil-American Raymond Townsend na ang inang si Virginia Marella ay mula sa Bala-yan, Batangas.

Si Townsend, ngayon ay 58-anyos na, ay nag-laro para sa Golden State noong 1978-80 at sa In-diana Pacers noong 1981-82 mula sa UCLA.

Si Miami Heat coach Erik Spoelstra ay isang Fil-Am na ang ina ay si Elisa Celino na taga-San Pablo, Laguna.

Sina Townsend at Spoelstra ay parehong ipinanganak at lumaki sa US.

Ayon kay Stern, ang basketball ang No. 1 sport sa Pilipinas ngunit ang soccer pa rin ang pinaka-popular na laro sa buong mundo.

ADAM SILVER

DAVID STERN

ELISA CELINO

ERIK SPOELSTRA

FIL-AMERICAN RAYMOND TOWNSEND

GOLDEN STATE

NBA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with