May bantay si Franco sa ‘Itaas’
NAY PYI TAW – Relihiyoso si Ramon Antonino Franco kaya naniniwala siyang ginabayan siya ng nasa Itaas na siyang nagligtas sa kanyang pamilya sa Tacloban City nang sumalanta ang bagyong Yolanda.
Naniniwala si Franco na sa tulong nang nasa Itaas, nanalo siya ng gold sa 27th SEA Games karatedo competitions noong Sabado ng gabi sa Wunna Theikdi Indoor Stadium dito.
“All the training, experience, nandu’n. Pero all those would not have mattered kung walang Isang nasa Itaas na nag-guide sa akin,†sabi ni Franco matapos pa-ngunahan ang 55kg class ng individual kumite. “Sa dami ng sinalanta ng Yolanda na-spare ang family ko,†dagdag pa ng 28-gulang na karateka. “And then dito, sa hirap ng pinagdaanan kong draw, mga mabibigat na kalaban, alam kong Somebody’s watching over me.â€
- Latest