LA Clippers nalo kahit kulang sa tao
PHILADELPHIA – Umiskor si Blake Griffin ng 26 points, nagdagdag si Chris Paul ng 25 points at 13 assists at ang kulang sa taong Clippers ay nanaig sa Philadelphia 76ers, 94-83 nitong Lunes ng gabi.
Nagposte si DeAndre Jordan ng 11 points at season-high 21 rebounds habang si Jared Dudley ay may 10 points para sa Clippers na nanalo ng ikalawang sunod.
“We’ve just got to keep grinding and can’t worry about anything,’’ani Clippers coach Doc Rivers.
Lumaro ang Los Angeles na wala sina guards J.J. Redick (injuries sa kanang kamay at pulso), Reggie Bullock (sprained left ankle) at Maalik Wayns (kaliwang tuhod). Wala rin si Forward Matt Barnes dahil sa problema sa kanyang kaliwang mata.
Magkakaroon ng karagdagang tulong sa Clippers dahil malapit na nilang mapapirma si free agent forward Stephen Jackson.
- Latest