^

PM Sports

Pinakamahuhusay sa buwan ng Nobyembre

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumabas na pinakamahusay na hinete si Jonathan Hernandez, si Marlon Cunanan ang pinakamagaling sa horseowners at si Danilo dela Cruz sa hanay ng mga trainers sa buwan ng Nobyembre sa MetroTurf Club sa Malvar, Batangas.

Si Hernandez ay kumulekta ng 128 kabuuang puntos na nanggaling sa 110 sa panalo, 12 sa segundo at anim sa pangatlong puwesto para ilagay sa pangalawang puwesto si Pat Dilema.

Kinapos lamang si Dilema ng pitong puntos sa 90-24-7 puntos sa unang tatlong puwestong pagtatapos habang nasa malayong ikatlong puwesto si Mark Alvarez sa 99 puntos (60-32-7).

Si Cunanan ay namamayagpag sa hanay ng mga horseowners sa natipong 100 puntos mula sa 80 sa unang puwesto, 16 sa segundo at 4 sa pangatlong puwesto.

Malayong nasa pangalawa si Arleen D. Chua sa 65 puntos (60-4-1) bago sumunod si Ruben Laureano bitbit ang 54 puntos (50-4-0).

Sa ikaapat hanggang ikawalong puwesto ang mahigpitang pinaglalabanan at si Augusto Benedicto Santos ang nasa ikaapat taglay ang 38 puntos pero dalawang puntos lamang ang layo niya sa Empire Joy Stable (36).

Malayo rin ang angat ni Dela Cruz  sa mga trainers sa kanyang 245 puntos (190-44-11).

Si Jesus Pabilic ang nasa ikalawang puwesto sa 109 puntos (90-16-3) at nasa ikatlong puwesto na kapos ng pitong puntos si Donato Sordan sa 102 puntos (80-20-2).

Sina Manuel M. Vicente (87) at Rosendo Mamucod (65) ang nasa ikaapat at limang puwesto.

 

vuukle comment

ARLEEN D

AUGUSTO BENEDICTO SANTOS

DELA CRUZ

DONATO SORDAN

EMPIRE JOY STABLE

JONATHAN HERNANDEZ

MARK ALVAREZ

MARLON CUNANAN

PUNTOS

PUWESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with