^

PM Sports

Fajardo katatakutan pa rin sa frontcourt-- Ildefonso

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwala si two-time MVP winner Danny Ildefonso na si June Mar Fajardo ang patuloy na katatakutan sa hanay ng mga frontcourt players sa darating na PBA season sa kabila ng pagdating ng mga bagitong players mula sa rookie draft.

“Ang daming bagong bigman, still Fajardo will own them! Mark my word,” sabi ni Ildefonso sa kanyang Twitter account.

Ipinakita ni Fajardo, ang 2012 top draft pick, ang kanyang malaking potensyal sa nakaraang Governors’ Cup kung saan siya lumaban para sa Best Player of the Confe-rence award sa likod ng kanyang double-double performance.

Dahil hindi nakala-ro sa first conference bunga ng injury, natalo ang 6-foot-10 na si Fajar-do kay Alvin Abueva ng Alaska sa karera para sa Rookie of the Year plum.

Sa kabila nito, napa-sama pa rin si Fajardo sa Mythical Second Team.

Nagdomina si Fajar-do sa Governors’ Cup hanggang mapigilan siya ng San Mig Coffee sa kanilang best-of-seven finals series.

Inaasahang magbibigay ng magandang laban kay Fajardo sina rookies Greg Slaughter, Ian Sangalang at Raymond Almazan.

Ang pinakahihintay ay ang Fajardo-Slaughter showdown.

Ang dalawang player ay dating magkaribal sa Cebu collegiate league kung saan naglalaro si Fajardo para sa University of Cebu at si Slaughter ay sa University of Visayas.

Ang iba pang big men na makikita sa darating na season ay sina Fil-Am Isaac Holstein at Justin Chua.

Napaulat na balak kunin ng Globalport si Eric Menk matapos kumampanya sa Asean Basketball League noong nakaraang season.

Ngunit iginiit ni Ildefonso na si Fajardo ang patuloy na magiging pinakamahalagang big man sa liga.

ALVIN ABUEVA

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BEST PLAYER OF THE CONFE

DANNY ILDEFONSO

ERIC MENK

FAJAR

FAJARDO

FIL-AM ISAAC HOLSTEIN

GREG SLAUGHTER

IAN SANGALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with