^

PM Sports

Buenafe, anim pa posibleng matanggal sa PBA Rookie Draft

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabuuang 85 aspirante, pito ang hindi duma­ting sa idinaos na biometrics measurement para sa mga draft applicants kahapon sa Hoops Center sa Mandalu­yong.

Kabilang sa mga nang-isnab sa pre-draft acvitity ay sina dating Ateneo star Ryan Buenafe, University of Santo Tomas guard Japs Cuan at player-actor Ervic Vijandre bukod pa kina Mar Villahermosa, Jumel Chien, Carlos Fenequito, Franz Delgado at Mark Berry.

Sinabi ng PBA Commissioner’s Office na maaari pang tanggalin ang pangalan ng pito sa kanilang lista­han para sa 2013 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place Manila sa Ermita kung walang maipapakitang magandang dahilan sa hindi nila pagdalo sa pre-draft event.

Ayon sa kampo ng 6-foot-2 na si Buenafe, apat na araw nang may lagnat ang dating Blue Eagle at naka­han­da silang magsumite ng medical certificate sa PBA office.

Sa sukat niyang 6-foot-11 5/8 ay hinirang si Greg Slaughter bilang pinakamataas na player sa draft.

Ang dating miyembro ng Ateneo at Gilas Pilipinas  ang may pinakamahabang wingspan din sa hanay ng 85 aspirante sa sukat na 85 inches.

Si Slaughter ang may pinakamataas na vertical reach sa sukat na 11 feet at six inches sa dalawang be­­ses niyang pagtatangka.

Siya rin ang player na nagbuhat ng pinakamabigat na 100-pound bench presses sa 40 beses.

Si Slaughter ang inaasahang kukunin ng Barangay Ginebra bilang No. 1 overall pick sa 2013 PBA Rookie Draft.

Ang Filipino-American at dating Gilas trainee na si Justin Melton ay nagtala naman ng pinakamaraming pushups sa bilang na 104, habang si dating Far Eas­tern Univer­sity shooter Paul Sanga ang nagposte ng pi­nakamaraming sit-ups sa bilang na 533 beses.

Si University of the Philippines guard Mark Lopez ang naglista ng pinakamaraming pull-ups sa bilang na 53, samantalang apat lamang ang nagawa ni 2013 UAAP MVP Terrence Romeo ng FEU.

Samantala, ilalatag nina PBA Commissioner Chito Salud at outgoing chairman Robert Non sa PBA board of governors ang kanilang mga nagawa sa nakaraang season sa pagsisimula ng kanilang annual planning ses­sion sa The Westin Hotel sa Sydney, Australia.

 â€œOur mandate from the team owners is to make the games more exciting and be responsive to the fans,” wika ni Salud sa kanilang pagharap sa PBA Board. “We hope to sustain the momentum and maintain the re­surgence of Philippine basketball.”

 

ANG FILIPINO-AMERICAN

ATENEO

BARANGAY GINEBRA

BLUE EAGLE

CARLOS FENEQUITO

COMMISSIONER CHITO SALUD

ERVIC VIJANDRE

SHY

SI SLAUGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with