Generals humirit ng tsansa sa Final Four
MANILA, Philippines - Humugot si Josh PaÂguia ng anim sa huling 10 puntos ng Emilio Aguinaldo College para ibasuÂra ang pagdikit ng Jose Rizal University sa fourth quarter at angkinin ang 78-68 panalo sa seÂcond round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang panalo ang nagbigay sa Generals ng tsansa paÂra sa isang playoff sa ikaÂapat at huling tiket sa FiÂnal Four.
Para mangyari ito, kailangang talunin ng EAC ang sibak nang Mapua sa Huwebes.
Dapat ding ipanalaÂngin ng Generals na maÂtaÂlo ang San Sebastian Stags sa isa sa kanilang huÂling dalawang asignatura, kabilang dito ang laÂban sa Perpetual Altas kaÂgabi.
Nagposte ang EAC ng 11-point lead sa third period bago nakadikit ang Jose Rizal sa dalawang punÂtos na agwat sa fourth quarter.
Nagsalpak naman si PaÂguia ng mga mahahalagang baskets para ibigay sa Generals ang tagumÂpay.
Sa likod nina Philip PaÂÂÂniamogan at Cris JorÂdan dela Paz, nakabaÂlik sa laro ang Heavy BomÂÂbers mula sa isang 11-point deÂficit sa pagtatapos ng third period para maÂkalapit sa 62-64 agwat sa fourth quarÂter.
Subalit iyon na ang naÂging huling paghahamon ng Kalentong-based caÂgers dahil nagbida si PaÂguia para sa EAC nang umiskor ng anim sa huÂling 10 markers ng Taft-based dribblers sa final canÂto.
Naglista si Paguia ng 11 points, 10 rebounds at 2 assists.
Humakot naman si CaÂmeroonian import NouÂbe Happi ng 18 points paÂra banderahan ang GeÂnerals kasunod ang 15 ni Jan Jamon, 12 ni Jack ArÂquero at 11 ni John TaÂyongtong.
Umiskor si Michael MaÂbulac ng 19 markers sa panig ng Heavy Bombers, habang may 14 si Paniamogan. (RCadayona)
EAC 78 -- Happi 18, JaÂmon 15, Arquero 12, Paguia 11, Tayongtong 11, Castro 7, Onwubere 2, Morada 2, SaÂludo 0, Hiole Manga 0, King 0, Munsayac 0.
Jose Rizal 68 -- Mabulac 19, Paniamogan 14, Lasquety 9, Dela Paz 7, Abanto 6, Salaveria 5, Grospe 4, SanÂchez 4, Benavides 0.
Quarterscores: 27-16; 44-32; 62-51; 78-68.
- Latest