^

PM Sports

Kings tinalo ang Clippers sa pre-season

Pang-masa

SACRAMENTO, Calif. -- Nagposte si DeMarcus Cousins ng 31 points at 11 rebounds upang banderahan ang Sacramento Kings sa 99-88 preseason win la­ban sa Los Angeles Clippers.

Ipinagpahinga ni Clippers coach Doc Rivers ang kan­yang mga starters na sina Blake Griffin, Chris Paul at DeAndre Jordan para sa kabuuan ng nasabing laro.

Nakatakdang harapin ng Clippers (2-1) ang Phoenix Suns.

Sa likod ng 25 markers ni Cousins, kinuha ng Kings (2-1) ang 56-47 halftime lead.

Umiskor siya ng 6 points sa third quarter kung saan nag­lista ang Sacramento ng isang 17-point lead kontra sa Los Angeles patungo sa fourth period.

Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 16 points kasunod ang tig-10 nina John Salmons at Marcus Thornton pa­ra sa Kings.

Pinamunuan ni Jamal Crawford ang Clippers buhat sa kanyang 25 points, habang naglista si Darren Colli­son ng 20 points at 10 assists.

Humakot naman si center Byron Mullens ng 16 points at 7 rebounds kasunod ang 12 ni Willie Green.

BLAKE GRIFFIN

BYRON MULLENS

CHRIS PAUL

DARREN COLLI

DOC RIVERS

ISAIAH THOMAS

JAMAL CRAWFORD

JOHN SALMONS

LOS ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with