^

PM Sports

Nangunguna pa rin si Jessie Guce

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi binibitiwan ni Jessie Guce ang hawak sa unang puwesto sa hanay ng kitaan ng hinete sa taong kasalukuyan.

Kasabay nito ay umakyat na sa mahigit na P2 mil­yon ang kita ni Mark Alvarez para makasalo sa ganitong ka­tegorya sina Pat Dilema at Jonathan Hernandez.

May 899 na sakay na ang ginawa ni Guce at siya pa lamang ang hineteng pumasok na sa tatlong milyong kita sa P3,498,843.42 napanalunan. May nangungunang 157 panalo, 166 segundo, 130 tersero at 96 kuwarto puwes-tong pagtatapos ang mga kabayong kanyang iginiya.

Si Dilema ang nasa  ikalawang puwesto sa P2,754,837.96 premyo sa 645 na takbo. May pumapa­ngalawa siyang 128 panalo at isama pa rito ang 114 segundo, 99 tersero at 84 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nasa ikatlong puwesto si Hernandez pero binibigyan siya ngayon ng magandang laban ni Alvarez na nasa ikaapat na puwesto.

Si Hernandez ay may 373 na takbo lamang, pinakamaliit na bilang sa mga hineteng nasa unang limang puwesto at nanalo siya ng 91 bukod pa sa 51 segundo at tersero at 57 kuwarto puwesto para makalikom ng P2,368,121.09.

Kailangang magpapanalo ang class A jockey dahil kulang ng tatlong libo lamang ang layo niya kay Alvarez na may P2,365,558.36 sa 97-117-91-71 karta matapos ang 649 takbo.

Nasa ikalimang puwesto si JA Guce sa P1,982,248.52 sa 515 sakay (85-66-64-60). Si Guce ang nangunguna sa siyam na hinete na kumita na ng mahigit na P1 milyon.  Si Zarate ang may pinakakaunting sakay sa top ten riders na 266 pero kumabit na siya ng P1,651,203.78 (73-57-36-27) para ma-lagay sa ikaanim na puwesto.

vuukle comment

ALVAREZ

GUCE

JESSIE GUCE

JONATHAN HERNANDEZ

MARK ALVAREZ

PAT DILEMA

PUWESTO

SI DILEMA

SI GUCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with