^

PM Sports

‘Bata’ sali sa World Pool Masters

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Efren ‘Bata’ Reyes ang siyang inim-bitahan para katawanin ang Pilipinas sa World Pool Masters na gagawin sa Metrodome sa Barnsley, United Kingdom.

May 16 na manlalaro ang pinahintulutan na maglaban-laban sa ika-21 edisyon ng torneo at gagawin mula sa Oktubre 25 hanggang 27. Si  Reyes ay magbabaka-sakali na maging ikatlong Filipino cue-artist na manalo sa kompetisyon kasunod nina Francisco Bustamante at Dennis Orcollo.

Dalawang beses na dinomina ni Bustamante ang World Pool Masters noong 1998 at 2001 habang si Orcollo ay naghari noong 2010.

Bukod kay Reyes, ang iba pang mga World champions na kalahok ay sina Mika Immonen, Daryl Peach, Darren Appleton, Ralf Souquet, Niels Feijen, Karl Boyes at Alex Pagulayan.

Isinali rin ang World champion sa kababaihan na si Ga Young Kim.

Knockout ang labanan sa torneo at dapat na makondisyon agad si Reyes dahil ang unang kalaban niya sa Oktubre 26 ay si Immonen.

Ang pagsali ni Reyes sa World Pool Masters ay mangyayari matapos ang matagumpay na kampanya nina Orcollo at Lee Van Corteza na siyang nagdomina sa World Cup of Pool sa East London.

Bago ito ay sumali rin ang bansa sa World 9-ball Championship sa Doha Qatar na kung saan si Antonio Gabica ay pumangalawa habang si Carlo Biado ay umabot ng semifinals.

 

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO GABICA

CARLO BIADO

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

DOHA QATAR

EAST LONDON

REYES

WORLD POOL MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with