^

PM Sports

Caguioa anim na linggo ipapahinga ang kanyang MCL injury sa kanang tuhod

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nangyari ang pi­nangangambahang ma­lub­hang injury ni Mark Ca­guioa ng Barangay Gi­nebra.

Sa kanyang pagkonsulta kay orthopedic surgeon Dr. Jose Raul Canlas, napag-alaman na si Ca­guioa ay nagkaroon ng isang mild sprain sa MCL (me­dial colateral ligament) sa kanyang kanang tu­hod matapos ang isang MRI (magnetic resonance imaging) scan.

“Just got back from my favorite very charisma­tic DR. Raul Canlas and he told me its MCL. Im really glad its only MCL and nothing else,” wika ni Caguioa sa kanyang Twit­ter account na @offi­cialMC47.

Marami ang kinabahan nang biglang gumulong sa sahig ang 2012 PBA Most Valuable Pla­yer sa 8:15 ng second pe­riod sa 94-101 kabiguan ng Gin Kings sa Petron Blaze Boosters noong Huwebes sa kanilang quarterfinals match sa 2013 PBA Go­vernor’s Cup.

Matapos makuha ang pasa mula kay Jayjay Hel­terbrand ay nadulas si Ca­guioa at kaagad na sina­po ang kanyang kanang tu­hod.

“This is the second time i got injured from slip­ping on a wet floor. Just want PBA to be aware to improve players safety. Thank you,” panawagan ni Caguioa sa PBA Commisioner’s office.

Isang left knee injury ang siyang nagpaupo kay Ca­guioa sa nakaraang 2013 PBA Commissio­ner’s Cup bago bumalik sa pagsagupa ng Ginebra sa Alaska sa championships series.

Tinalo ng Aces ang Gin Kings sa naturang tor­neo.

Anim na linggo ang ipa­pahinga ni Caguioa ba­go bu­malik para sa 2014 PBA Philippine Cup sa Nobyembre.

BARANGAY GI

CAGUIOA

DR. JOSE RAUL CANLAS

GIN KINGS

JAYJAY HEL

MARK CA

MOST VALUABLE PLA

PETRON BLAZE BOOSTERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with