^

PM Sports

Ubos silang lahat sa May Bukas Pa

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng kabayong May Bukas Pa na dala ni Pat Dilema ang pagiging paborito  nang dominahin ang class division 1 race na pinaglabanan noong Martes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Mabagal ang panimula ng tambalan at nalagay sa pang-apat na puwesto sa alisan ngunit nang nakuha ang ayre ay hindi na napigil at mula sa labas ay kumaripas ng takbo tungo sa dominanteng panalo sa 1,200-metro distansya.

Naorasan ang tambalan ng 1:10 sa kuwartos na 23’, 22, 24’ at tinalo ng May Bukas Pa ang Sha Na Na ni FN Ortiz.

Unang lumayo ang Hello Hello bago sinundan ng Sha Na Na at Doctor Choice ngunit naubos ang mga ito nang tumulin na ang May Bukas Pa na pinatawan ng 56 kilos handicap weight.

Sa huling kurbada ay kinuha na ng May Bukas Pa ang liderato sa Hello Hello at kahit humabol ang Sha Na Na ay may reserba pang lakas ang nangungunang kabayo para sa mahigit dalawang dipang panalo.

Balik-taya ang nakamit ng mga kareristang nanalig sa husay ng May Bukas Pa pero nasa P31.50 ang ibi-nigay sa 5-3 forecast.

Mahusay naman ang pagkakagamit ni apprentice rider AB Serios ng latigo nang napalabas ang bilis ng Luck And Fame sa anim na kabayong karera na 3-YO Maiden sa 1,200-metro distansya.

Ang Wild Event na sakay ni RF Torres ang umalagwa sa rekta at halos apat na dipa ang inilayo sa Luck And Fame pero inabot pa rin ito at nalama-ngan pa ng isang dipa sa meta dahil sa malakas na pagremate ng  katunggali.

Binawi ng tambalan ang pangalawang puwestong pagtatapos sa pistang ginawa noong Setyembre 29 at ang mga kapanalig ay nagkamit ng P40.00 dibidendo. Ang 2-5 forecast naman ay nagbigay ng P97.00.

vuukle comment

ANG WILD EVENT

BALIK

BATANGAS

DOCTOR CHOICE

HELLO HELLO

LUCK AND FAME

MAY BUKAS PA

METRO TURF CLUB

PAT DILEMA

SHA NA NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with