Bumalik ang tikas ng Coal Harbour
MANILA, Philippines - Naibalik agad ng Coal Harbour ang tikas ng pagtakbo nang masama sa mga nanalo noong Lunes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang apprentice rider na si JL Paano ang dumiskarte uli sa nasabing kabayo na nanalo sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong takbo.
Sa class division 7 lumarga ang karera sa distan-syang 1,300-metro at kondisyon ang nanalong tambalan sa hamon ng Jaiho. Pumalo pa sa P32.00 ang win habang ang 2-1 forecast ay nagpasok ng P114.50.
Masasabing gabi ng apprentice riders ang nangyari sa unang araw sa pitong araw na karera sa tatlong magkakaibang race track dahil si RV Leona ang siyang lumabas bilang winningest jockey sa walong pinaglabanang karera.
Unang panalo ni Leona ay sa kaba-yong C Bisquick sa special class division race para pangatawanan din ang pagi-ging patok ng sakay na kabayo. Pangalawa ang Aranque para lumawig sa tatlong buwan ang pagpapanalo ng C Bisquick.
Halagang P6.50 ang ipinasok ng win habang P24.50 ang 3-4 forecast.
Ang Oh So Discreet ang sunod na nanalo sa race 5 na isang class division 1B race. Talunan sa karera ang Flair Bottoms para magpasok ang 1-7 forecast ng P24.50 habang P11.50 ang ibinigay sa win.
- Latest