^

PM Sports

Ginebra vs Talk ‘N Text: Tuloy ang laban ngayon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa masamang panahon kahapon ay kinansela ang playoff game sa pagitan ng Talk ‘N Text at Barangay Ginebra para sa No. 8 seat sa quarterfinal round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Due to heavy rains and flooding, the playoff game for the eighth quarterfinal spot between Barangay Ginebra and Talk ‘N Text has been reset,” pahayag ng PBA Commissioner’s Office.

Sa halip ay itinakda ang banggaan ng Tropang Texters at Gin Kings ngayong alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng Talk ‘N Text, nanggaling sa isang four-game losing slump, ang Ginebra, 113-99, noong Linggo kung saan bumitaw si Jimmy Alapag ng dalawang magkasunod na mahalagang three-point shots sa dulo ng fourth quarter.

“The guys willed themselves to victory,” wika ni head coach Norman Black sa kanyang Tropang Texters, nagkampeon sa 2013 PBA Philippine Cup, matapos talunin ang Gin Kings ni mentor Ato Agustin.

Humakot naman si import Courtney Fells ng 26 points, 5 rebounds at 2 assists para sa kanyang ikalawang laro sa Talk ‘N Text matapos palitan si Tony Mitchell.

Ang mananalo sa pagitan ng Tropang Texters at Gin Kings ang siyang sasagupa sa No. 1 Petron Blaze Boosters sa quarterfinals na magsisimula bukas.

Lalabanan ng No. 2 San Mig Coffee ang No. 7 Alaska, habang makakaharap ng No. 3 Meralco ang No. 6 Barako Bull at makakatapat ng nagdedepensa at No. 4 Rain or Shine ang No. 5 Globalport.

Ang apat na koponan na nasa Magic Four ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

 

vuukle comment

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BARANGAY GINEBRA AND TALK

COURTNEY FELLS

CUNETA ASTRODOME

GIN KINGS

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with