^

PM Sports

ALA-Cobra tunay na lakas boxing tour Luzon leg sa Setyembre 28

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan ng ALA Promotions ang paghahanap ng mga potensyal na world boxing champions sa pamamagitan ng ALA-Cobra Tunay na Lakas Boxing Tour.

Bubuksan ang Luzon leg sa Setyembre 28 sa Mandaluyong City na tatampukan ng isang six-fight card sa pangunguna ng laban nina Rene Bestodio at Jonel Alivio.

Sinabi kahapon ni ALA Promotions vice-president Dennis Cañete sa lingguhang Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate na gusto nilang humanap ng mga boksingerong nakabase sa Luzon.

“Sa laki ng Luzon, alam namin na maraming po­tential fighters dito who can become champion someday. That’s why naisipan namin to extend the ALA-Cobra Tunay na Lakas Boxing Tour here to give figh­ters from Luzon the avenue to showcase their ta­lent and skills,” wika ni Cañete.

Inihalimbawa naman ni ALA Promotions events manager Claire Anlukban sina World Boxing Organization mini-flyweight champion Merlito Sabillo at undefeated world title prospect King Arthur Villa­nueva na mga produkto ng naturang boxing tour na idinaos sa Visayas-Mindanao region.

“Diyan sila nagsimula before reaching their current status,” sabi ni Anlukban.

Ang Luzon tour ay isasabay sa VisMin tour kagaya ng ginagawa ng Mexico.

“It’s almost the same blueprint which Mexico follows, kaya ang daming boxing tournaments doon where you can really see a lot of talent and potential,” ani Cañete.

Matapos ang Mandaluyong stage, dadalhin ang ALA-Cobra Tunay na Lakas Boxing Tour sa Laguna Province sa Oktubre kasunod sa Makati, Rizal Pro­vince at Cavite City.

ANG LUZON

BOXING

CAVITE CITY

CLAIRE ANLUKBAN

COBRA TUNAY

DENNIS CA

JONEL ALIVIO

LAKAS BOXING TOUR

LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with