^

PM Sports

Italy tinakasan ang Spain sa overtime

Pang-masa

LJUBLJANA, Slovenia -- Tinalo ng Italy ang two-time defending champion Spain, 86-81, sa overtime sa kabila ng ipinosteng 32 points at 10 rebounds ni Marc Ga­sol sa European basketball men’s championships.

Bumangon ang Italy mula sa isang 15-point deficit para makamit ang panalo.

Pinuwersa ni Luigi Datome ang laro sa overtime ma­tapos isalpak ang kanyang layup sa pagtunog ng buz­zer sa regulation.

Umiskor si Alessandro Gentile ng apat na sunod na free throws para selyuhan ang naturang tagumpay ng Italy.

Tumapos si Gentile na may 25 points.

“We beat probably the best team in the tournament,’’ sabi ni Italy guard Pietro Aradori, tumipa ng 17 points.

Sinibak naman ng Croatia ang Greece, via double overtime, 92-88.

Dahil sa panalo ng Croatia ay nakapasok din ang Spain sa quarterfinal round.

Lalabanan ng Spain, nahulog sa ikaapat na puwesto sa Group F, ang Serbia sa unang laro sa quarterfinals, habang haharapin ng host Slovenia ang France.

Samantala, binigo naman ng Finland ang Slovenia, 92-76.

ALESSANDRO GENTILE

BUMANGON

CROATIA

DAHIL

GROUP F

LUIGI DATOME

MARC GA

PIETRO ARADORI

SLOVENIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with