^

PM Sports

PNP, FEU volleybelles naghahabol sa huling quarterfinal slot

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagupa ang Philippine National Police at Far Eastern U sa labanan ng mga bokyang teams para sa pag-asang makapasok sa quarterfinal round habang sisikapin naman ng Air Force at Meralco na pagandahin ang kanilang record sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Pag-aagawan ng Lady Patrollers at Lady Tams na parehong bokya sa 5-laro, ang unang panalo sa alas-2:00 ng hapon kung saan ang mananalo ay sasalo sa Navy sa sixth place na may pag-asa pa sa quarterfinal berth sa season-ending confe-rence  ng ligang sponsored ng Shakey’s.

Ang panalo ng PNP ay sisibak sa kontensiyon sa FEU at kung magkakagayon ay magiging krusyal ang PNP-Navy match sa pagsasara ng eliminations sa Biyernes dahil magiging labanan ito para sa huling quarterfinals berth.

Ngunit ang panalo ng FEU ngayon at ang tagum-pay ng PNP sa Navy sa Biyernes na sasabayan ng panalo ng Army sa FEU sa Biyernes din ay magreresulta ng three-way tie para sa sixth place.

Reresolbahin ito ng tiebreaker at ang top-two teams ang maglalaban para sa huling quarterfinal slot at masisibak ang huli.

 

 

AIR FORCE

BIYERNES

FAR EASTERN U

LADY PATROLLERS

LADY TAMS

MAGSASAGUPA

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN JUAN CITY

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with