Bahagi ng parte ni Jay-Z sa Nets bibilhin ni Kidd
MANILA, Philippines - Alam na nating kailangang ibenta ni Jay-Z ang kanyang parte sa Brooklyn Nets noon pang April, nang iniulat na nagdesisyon ang mogul rapper na pala-kihin ang Roc Nation Sports management na itinayo niya katulong ang Creative Artists Agency para kumatawan ng NBA players tulad ni three-time scoring champion Kevin Durant.
Ilang buwang naghanap ng kliyente si Jay-Z at nakuha naman niya sina New York Yankees second baseman Robinson Cano, New York Giants wide receiver Victor Cruz at New York Jets quarterback Geno Smith ngunit marami ang nagtatanong kung sino ang bibili ng kanyang parte sa Brooklyn.
Nitong Miyerkules, may ulat sa New York Post na posibleng si first-year Nets head coach Jason Kidd ang bibili ng bahagi ng kanyang share.
Sinasabing bibilhin ni Kidd ang bahagi ng 0.1608 percent share (1/6 of 1 percent) ni Jay-Z ng $500,000.
Ayon sa mga usap-usapan, pabor ang ibang share owners na ibenta ni Jay-Z ang kanyang share kay Kidd dahil walang conflict of interest kung coach ng team ang bibili.
- Latest