^

PM Sports

Cotto nasa kampo na ngayon ni Roach

Pang-masa

MANILA, Philippines - Noon ay napabagsak ni Manny Pacquiao si WBO lightwelterweight, WBO/WBA welterweight at WBA lightmiddleweight champion na si Miguel Cotto kasama si Freddie Roach sa kanyang corner. 

Nangyari ito sa Las Vegas taong 2009.  Ngayon, sinasanay ni Roach si Cotto sa Wild Card Gym sa Hollywood para sa kanyang comeback fight kontra kay Delvin Rodriguez ng Dominican Republic sa Orlando sa Oct. 5. 

Wala nang iba pang maaaring magbigay buhay sa career ni Cotto kundi si Roach.

Noon ay kilala si Roach na ‘maker of champions’, ngayon ay sinasabing siya ay ‘re-maker of champions.’

 Hindi lang si Cotto ang dating champion na sinasanay ni Roach para bumangon.  Sa Nov. 23, makakasama ni Roach si Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Brandon Rios sa Macau sa layuning makabawi sa dalawang sunod na pagkatalo laban kina Timothy Bradley Jr. at Juan Manuel Marquez.

Sina Cotto at Pacquiao ay nagpangita sa Wild Card Gym kamakailan. 

Si Cotto ay nagsasanay habang  si Pacquiao ay napadaan noong mga araw ng kanyang US tour para i-promote ang laban kontra kay Rios. 

Si Pacquiao ay naka-Kobe Bryant Nike jersey habang si Cotto ay naka-itim na Wild Card T-shirt. 

Nagkumustahan ang dalawa, apat na taon matapos ang kanilang laban na inihinto ni referee Kenny Bayless, may 55 segundo na lang sa 12th round.

Tulad ni Pacquiao, ang 32-gulang na si Cotto ay nanggaling din sa magkasunod na talo noong nakaraang taon.

Na-outpoint siya nina Floyd Mayweather noong May at Austin Trout noong December.

vuukle comment

AUSTIN TROUT

BRANDON RIOS

COTTO

DELVIN RODRIGUEZ

DOMINICAN REPUBLIC

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with