^

PM Sports

CEU, St. Clare patuloy sa pananalasa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang Centro Escolar University at St. Clare College of Caloocan  sa kanilang pananalasa sa pagbabalik aksyon ng  13th NAASCU men’s basketball noong Biyernes sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) gym sa Sta. Mesa, Manila.

Humakot  ang 6’5 na si  Rodrigue Ebondo na isang exchange student mula  sa Democratic Republic of the Congo ng 17 puntos galing sa bench  habang si Alfred Ryan Batino ay naghatid ng 13 para sa Scorpions na gumamit ng 11-0 start upang angkinin ang 64-54 panalo laban  sa New Era University.

Ang panalo ay ikaapat na sunod  ng Scorpions para manatiling nagsosolo sa liderato.

Okupado pa rin ng Saints ang ikalawang puwesto matapos ang 90-68 paggapi sa host Our Lady of Fatima University.

Sina Dennis Santos, Jayson Ibay at Bong Managuelod ang nagtulong sa 14-2 run sa ikatlong yugto para iwan ang OLFU sa 31-29 sa halftime.

Si Santos ay tumapos bitbit ang 21 puntos at 11 rito ay kanyang ibinuhos sa ikatlong yugto habang tig-16 ang inangkin nina Ibay at Managuelod at ang St. Clare ay may tatlong sunod na panalo na  matapos matalo sa CEU sa unang asignatura.

Tinuhog ng Rizal Technological University ang City University of Pasay, 57-40, sa isa pang seniors game. Nanalo naman ang  nagdedepensang women’s champion CEU sa Our Lady of Fatima, 97-56, at RTU sa St. Clare, 85-60, habang sa juniors division, ang CEU ay nanaig sa OLOF, 66-53 at ang St. Clare sa New Era, 75-48.

 

ALFRED RYAN BATINO

BONG MANAGUELOD

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY

DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO

JAYSON IBAY

NEW ERA

NEW ERA UNIVERSITY

ST. CLARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with