^

PM Sports

Two-year contract inihanda ng Pistons para kay Harrellson

Pang-masa

DETROIT -- Nakipagkasundo ang Detroit Pistons kay forward Josh Harrellson para sa isang two-year deal, sabi ng league source sa Yahoo! Sports.

Matatanggap ng 24-anyos na si Harrellson ang isang partial salary guarantee para sa 2013-14 season at hahawakan naman ng Pistons ang team option para sa 2014-15 season, ayon sa source.

Inaasahang ito na ang magiging huling hakbang ng Pistons bago simulan ang kanilang training camp.

Nakapaglista na si General Manager Joe Dumars ng 15 players para sa kanilang koponan sa pagkuha kay Harrellson.

Nasangkot ang Detroit sa dalawang high-profile deals matapos hugutin sina forward Josh Smith at point guard Brandon Jennings sa isang sign-and-trade deal.

Ang 6-foot-10 na si Harrellson ang hinirang na Most Valuable Player ng Chinese Basketball Association matapos magtala ng mga averages na 22 points at 18 rebounds per game noong nakaraang season.

Bago makita sa anim na laro para sa Miami Heat no­ong 2012, naglaro muna si Harrellson sa New York Knicks ng isang season.

Sa kanyang 37 laro ay naglista si Harrellson ng ave­rage na 4.4 points per game.

Si Harrellson ang 45th overall pick mula sa University of Kentucky noong 2011 NBA Draft.

BRANDON JENNINGS

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

DETROIT PISTONS

GENERAL MANAGER JOE DUMARS

HARRELLSON

JOSH HARRELLSON

JOSH SMITH

MIAMI HEAT

MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with